Matapos ang isang linggong hiwalay na bakasyon ng mag-asawang Vice Ganda at Ion Perez muling nagkasama ang dalawa. Matatandaang may kumakalat na haka-haka na naghiwalay na umano sila na agad naman nilang itinananggi pareho.
Sa nakaraang episode ng It's Showtime, nagsalita na si Vice tungkol sa isyung naghiwalay na sila ni Ion. Tinawag pa niyang mga chismosang demonyo ang mga nagpapakalat ng balitang naghiwalay na sila ng asawang si Ion Perez.
Hinuha naman ng mga netizens na si Cristy Fermin ang pinapatamaan ni Vice dahil matatandaang tinalakay nina Cristy Fermin at mga kasamahan nito sa Showbiz Now Na ang relasyon nina Vice Ganda at Ion Perez.
Ayon kay Cristy, napapadalas umano ang pakikipagkita ni Vice sa mga dati niyang kasamahan sa bar at sa tuwing ginagawa ito ni Vice ay may pinagdadaanan umano itong problema. Nabanggit di ni Nay Cristy ang isang social media post ni Vice kung saan sinabi umano nitong mahirap at nakakapagod ang mga nagdaang buwan sa kanyang buhay.
Kahapon sa live episode ng It's Showtime, napaka-sweet ni Vice kay Ion at sinabing 6 days na umano silang hindi nagkasama dahil sa magkahiwalay nilang bakasyon. Inamin din ni Vice na gabi-gabi siyang umiiyak dahil namimiss niya si Ion. Hindi na kasi umano siya sanay na magkalayo silang dalawa.
Nagpunta si Ion sa Japan kasama ang pamilya nito habang nagpunta naman si Vice sa Cebu at Bohol kasama naman ang kanyang pamilya. Bale naglaan sila ng time para sa kani-kanilang families.\
Samantala, pabirong tinawag na demonyong chismosa ni Vice ang mga nagpapakalat ng balitang nagkakalabuan na umano sila ni Ion Perez at malapit ng maghiwalay. Ipinagdiinan din ni Vice na masaya sila ni Ion at wala silang problema sa kanilang relasyon. Kaya pinagsabihan niya ang mga gumagawa ng kwento sa kanila.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!