Muling binash ng mga netizens si Donnalyn Bartolome matapos magkaroon ng 'kanto-style' birthday celebration.
Nauna nang nabash si Donnalyn matapos magsagawa ng birthday photoshoot na may sexy baby themed. Agad naman siyang humingi ng paumanhin sa publiko at sinabing hindi niya intention ang mang offend.
Naging usap-usapan naman ngayon ang kanyang latest vlog na may pamagat na 'My Kanto Bithday (shot puno)'. Agad itong nagtrending sa unang arw pa lamang ng pagpapalabas nito. Marami sa mga tagahanga ng vlogger ang natuwa at naka-relate sa ginawang celebration nito.
Samantala, may ilang mga netizens naman na tila hindi nasiyahan sa ginawa ni Donnalyn. Komento ng ilan, "Donnalyn is romanticizing poverty". Sensitibo ang ganitong paksa lalo na ngayon na maraming naghihirap sa bansa.
Sa nasabing vlog, nagbigay ng rason si Donnalyn kung bakit ito ang napili niyang theme para sa kanya birthday celebration. Nais lamang umano niyang balikan ang mga panahon kung saan wala pa siyang kaya na mag-celebrate ng bonggang birthday party. Lalo na noong panahong umalis siya sa kanilang tahanan upang i-pursue ang kanyang pangarap.
Nais din lamang ni Donnalyn na ipabatid sa publiko ang kanyang mga pinagdaanan noon at hindi niya ito kinakahiya. Maging ang kaibigan ni Donnalyn na si Awra ay nagsalita na rin tungkol sa kontrobersyal tutong cake ay hindi ideya ni Donnalyn kundi ng kanilang mga kaibigan.
Nilinaw din nito na hindi nasayang ang nasabing rice cake dahil kinain naman nila ito sa huli. Nalulungkot din umano ito dahil nais lamang ng kaibigan niyang si Donnalyn na magbalik tanaw sa kanyang nakaraan. Subalit, binatikos ito ng ilang mga netizens.
Samantala nagsalita na rin si Donnalyn tungkol sa kanyang controversial na kanto style birthday celebration. Ayon sa kanya, wala siyang pinagsisisihan sa ginawang celebration bagkus ito pa umano ang best birthday celebration niya. Nagpapasalamat din siya sa kanyang mga kaibigan na gumawa ng tutong cake niya dahil napasaya umano siya nito.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!