Nagtrending ang pagtatapos ng Ang Probinsyano na pinagbibidahan ni Coco Martin. Naging usap-usapan ito ngayon sa internet dahil sa maaksyon at madamdaming pagtatapos nito. Hindi naman binigo ng teleserye ang mga manonood nito na nakakatutok at talagang sumusubaybay nito.
Gabi-gabi itong inaabangan ng mga manonood hindi lamang dahil sa aksyon kundi sa mga nakakakilig ding eksena nito. Lalo na nang pumasok sa eksena ang rumored girlfriend and online partner ni Coco Martin na si Julia Montes. Sa pagtatapos ng teleserye hindi napigilan muling mapag-usapan ang dalawa.
Sa huling bahagi ng program muling nagpakita ang karakter ni Julia bilang Mara matapos itong mawala sa maikling panahon. Bukod sa kilig napansin ng ilang mga netizens na tila may nagbago sa pangangatawan nito.
Kapansin-pansin kasi ang tila pananaba ng aktres na tila ba ay nagdadalang tao. Makikita kasi umano ang baby bump nito na tila kumpirmasyon naman na magkakaroon na sila ng pangalawang baby ni Coco Martin. Hindi rin ipinakita sa nasabing eksena ang buong katawan ni Julia.
Samantala, nananatili pa ring tahimik ang dalawa sa kung ano ang tunay na namamagitan sa kanila.
Bakit nila kailangang itago at itanggi ang lahat. Hindi ko alam kung ano ang dahilan kung bakit. Kung mahal nyo ang isat isa dapat maging proud kayo sa relationship nyo.
TumugonBurahin