Sa isang panayam kay Sen. Raffy Tulfo, sinabi niya na makikinabanang ang mga manonood sa nangyaring partnershio ng ABS-CBN at TV5. Magkakaroon umano ito ng sapat na abilities upang makagawa ng quality shows para sa mga manonood.
Ayon pa kay Sen. Raffy Tulfo isang dream team ang partnership ng ABS-CBN at TV5.
"The best of worlds joining together at ang end result, dream team. At sino makikinabang dito? The viewing public."
Sa ngayon ay wala pa naman umano siyang nakikitang violation sa nangyaring partnership between TV5 and ABS-CBN.
"Kung merong violation, then it's a different story, it's a different ballgame. Pero kung wala tayong makikitang mali at okay lang 'yung merger ng ABS-CBN at TV5, so let it be."
Dagdag pa nito, "I, for one, will support that and I'm talking based on me being a former broadcaster na alam ko 'yung takbo at kalakaran sa media."
Samantala pag-uusapan naman sa House of Representative bukas ang tungkol sa nangyaring partnership sa pagitan ng ABS-CBN at TV5.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!