Donnalyn Bartolome, rumesbak sa mga netizens na bumabatikos sa kanyang kanto themed birthday party.
Agad na nagtrending ang kanto themed birthday party ni Donnalyn Bartolome na kanyang ibinahagi sa kanyang Youtube Vlogs. Agad na umano ng million views ang nasabing vlog sa loob lamang ng ilang oras matapos nitong inupload.
Marami naman ang natuwa sa ginawang selebrasyon ng vlogger lalong-lalo na ang mga tagahanga nito. Sa halip na isang bonggang party, nagsagawa ng ihaw-ihaw si Donnalyn para sa mayayaman at sikat nitong mga bisita. Makikita naman na nag-eenjoy ang birthday celebrant at maging ang mga bisita nito sa kanilang pagdiriwang.
Ayon kay Donnalyn, nais lamang niyang balikan ang mga panahon kung saan nagce-celebrate din siya ng kaarawan sa kanto. Noong mga panahon na umalis siya sa kanilang tahanan upang tuparin ang kanyang pangarap na maging isang music artist. Hindi umano niya afford na magkaroon noon ng bonggang party at simpleng inuman sa kanto lamang ang tanging kaya niya sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan.
Sa kabila naman ng pag-eenjoy nila sa kanilang ginawang party, may ilang mga netizens ang bumabatikos kay Donnalyn at sa kanyang kanto themed birthday party. Ang ginawang kanto themed party umano ni Donnalyn ay pan-iinsulto sa mga mahihirap. Nagsasayang lamang umano ang mga ito ng pagkain sa ginawang sunog na kanin bilang birthday cake at panigurado umanong hindi naman nila ito kakainin.
Komento pa ng ilan na nagpapansin lamang umano ito upang mapag-usapan ang kanyang vlogs. Ginawa lamang umano ito ni Donnalyn upang magkaroon ng kakaibang content ang kanyang vlogs.
Samantala, sinagot naman ni Donnalyn ang mga pambabatikos na ibinabato sa kanya ng ilang mga netizens. Ayon sa kanya, hindi niya ikinakahiya ang buhay niya noong hindi pa siya sikat. Nagpapasalamat din siya sa kanyang mga kaibigan na gumawa ng kanyang tutong na rice cake.
Narito ang buong pahayag ni Donnalyn, "My life before fame at di ko ikakahiya
salamat sa mga tropa kong napatawa ako sa meme cake kong tutong dahil mahilig ako sa extra rice.. wag niyo isipin napahamak niyo ako, wala naman tayong tinapakang tao. Sa dami nang tumapos nung video, nakita ko sa comments madami tayong na-inspire na taong magsumikap after they saw my old pictures sa kanto at nung sinabi ko yung secret to success at the end of the video. Wala akong regrets. BEST BIRTHDAY OF MINE SO FAR!! "
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!