Matatandaan noong August 23, 2022, biglang lumutang ang suspek sa kaso ni Jovelyn Galleno na nagpakilalang si Leobert Dasmarinas. Siya ay umamin na may kinalaman siya sa pagkawala ni Jovelyn.
Ayon sa kanya, may iba pang sangkot sa nangyari kay Jovelyn at look out lamang siya. Noong August 5, umano ay inabangan nila si Jovelyn sa kanto at isinagawa ang matagal na nilang pinaplano. Marami ang hindi naniniwala na sila ang may gawa sa nasabing krimen dahil bukod sa magpinsan sila ay malapit din si Leobert kay Jovelyn dahil nagpagawa pa ito ng resume sa dalaga.
Marammi rin ang kumbinsido na hindi si Jovelyn ang nakitang kalansay sa damuhan dahil tila matagal na ito at hindi kapani-paniwalang naging kalansay kaagad si Jovelyn na dalawang linggo pa lamang na nawawala.
Makikita sa kalansay na tila matagal na ito at taon na ang lumipas. Bagama't kinumpirma ng pamilyang Galleno na pagmamay-ari ni Jovelyn ang natagpuang gamit malapit sa nakitang kalansay, kahina-hinala pa rin na hindi man lamang ito nangamoy at naging kalansay na lamang.
Ipina-DNA naman ang nasabing kalansay kung totoong kay Jovelyn ngunit hindi pa man lumabas ang resulta ay muling binawi ni Leobert ang kanyang salaysay at sinabing hindi si Jovelyn ang nakita. Pawang gawa-gawa lamang umano niya ang lahat. Nahalata rin ng pamilya na palaginng may suot na damit sa kanyang mukha gayung hindi na naman niya kailangang magtago pa.
Nang subukan umanong tanggalin ng ina ni Jovelyn ang takip sa mukha ni Leobert ay kaagad na pinigilan siya ng mga pulis na tila ba'y may itinatago.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!