Vanessa Raval Nagsalita Na Hinggil Sa Balitang Hindi Siya Anak Ni Jeric Raval!

Biyernes, Agosto 5, 2022

/ by Lovely

Vanessa Raval nagbigay na ng pahayag at nilinaw na ang balita tungkol sa umanong pagtanggi ni Jeric Raval sa kanya. Ito ngayon ang usap-usapan lalo na ang mga nakakakilala sa pamilya Raval. Matatandaang sa isang videong ipinalabas ni Ogie Diaz, nabanggit niya roon na hindi umano tunay na anak ni Jeric Raval si Vanessa. Ito ay nanggaling umano mismo kay Jeric Raval sa kanyang interview rito.

Ayon umano kay Jeric, anak si Vanessa ng isang pinsan niyang buo at nakikitatay lamang ito sa kanya. Ngunit, ngayong araw ay pinabulaanan ito ni Vanessa. Ayon kay Vanessa tunay siyang anak ni Jeric Raval. Sa katunayan, magkapatid umano silang buo ni AJ.

Ayon pa sa kay Vanessa, isa siya sa limang anak ni Jeric Raval kay Alyssa Alvarez. Sa kanyang pahayag idiniin niyang totoo siyang anak ni Jeric. Hinikayat din niya ang mga netizens na panoorin ang video ni Ogie Diaz. Ang sinabi lamang umano ng kanyang amang si Jeric na 'let's not talk about her' at normal lamang umano iyon dahil sa iskandalong ginawa niya sa social media.

Fake news lamang umano ang mga kumakalat na articles na nagsasabing itinanggi siya mismo ng kanyang amang si Jeric Raval. Naiintindihan naman umano ni Vanessa kung bakit ayaw siyang pag-usapan ng kanyang ama dahil mauungkat lamang ang nakakahiyang ginawa niya kamakailan. Ayon pa kay Vanessa, kung siya man ang nasa posisyon ng kanyang ama, ayaw niya na ring pag-usapan ang tungkol sa kanyang anak.



Confident naman si Vanessa na hinding-hindi siya itatanggi ng kanyang ama talagang sensitive lamang umano ito ngayon dahil sa kanyang isyu. Sa katunayan, nakakausap umano niya ang kanyang ama at wala itong sinabing hindi siya nito anak.

Sa huli, pinagdiinan ni Vanessa na nagalit lamang ang kanyang ama ngunit hindi siya itinakwil nito. 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo