Nagbigay na ng official statement ang ABS-CBN hinggil sa pagpopostpone ng kanilang ball na dapat sana ay gaganapin sa susunod na buwan.
Sa kanilang ibinahaging official statement noong September 14, 2022 inaddress nila ang pagpopostpone ng kanilang ABS-CBN Ball.
"Given the current circumtances, the ABS-CBN Ball scheduled on October 2 is posponed.
We remain grateful to out Kapamilya Stars, industry partners and friends for their unwavering support."
Wala namang binanggit na dahilan ang ABS-CBN kung bakit nila ipinospone ang nasabing event.
Samantala, hindi napigilan ng ilang mga netizens ang magbigay ng samu't-saring speculations kung bakit hindi natuloy ang ABS-CBN's Ball. May mga nakapansin kasi na hindi rin inilagay sa nasabing statement kung kailan na ito magaganap o kung matutuloy pa ba ito.
Komento ng ilang mga netizens, baka wala na umanong pondo ang network para magsagawa ng ganitong event. Dagdag pa ng ilan, baka hindi na natuloy dahil lumipat na ang kanilang mga talents sa ALL TV ng AMBS.
Pagtatanggol naman ng ilang mga Kapamilya fans na hindi kakulangan sa pondo at sponsors ang dahilan ng pagpopospone ng nasabing event. Lalong-lalo na ang paglipat ng ibang talents sa AMBS. Ang dahilan umano ay ang hectic schedule ng mga Kapamilya artists dahil sa dami ng proyekto sa loob at sa labas ng bansa.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!