Andi Eigenmann Sumabak Sa Surfing Competition!

Martes, Setyembre 13, 2022

/ by Lovely


Sumabak na si Andi Eigenmann sa kanyang unang surfing competition.

Isang tagumpay para kay Andi ang kanyang pagsali sa isang surfing competition. Masayang ibinandera ni Andi sa kanyang social media accounts ang mga larawang kuha mula sa kauna-unahang surfing competition na kanyang sinaluhan.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na nais ding maging professional surfer ni Andi kagaya ng kanyang partner na si Philmar Alipayo. Dahil sa taglay na galing ni Philmar sa surfing hindi na kataka-takang naturuan nito ng maayos si Andi.

Sa unang araw ng Seven Pacific Local Surfing Competition, sa unang pagkakataon, masusubukan mo na kung may natutunan ba siya sa mga turo ng partner.



Samantala, masaya namang ibinahagi ni Andi na nakapasok siya sa round 2 ng competition.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo