Bulgaran Ng Baho! Rosmar Vs Ms Glenda Dela Cruz, Sino Nga Ba Ang Tunay Na Malakas?!

Miyerkules, Setyembre 14, 2022

/ by Lovely

Patuloy pa rin ang bardagulan nina Rosmar at Ms. Glenda sa social media. Sino ang mas malakas?

Tila hindi pa rin natatapos ang pagbabangayan ng dalawang beauty products CEO na sina RosMar at Ms. Glenda. Nagsimula ang lahat sa palitan nila ng pagpaparinig sa kani-kanilang social media accounts. Hindi na ngayon matukoy kung sino ang nag-umpisa ngunit ang tiyak ay walang nagnanais na magpaawat.

Humantong na ang parinigan nila sa paglalabas ng baho sa isa't-isa. Maging ang buhay may-asawa ni Ms. Glenda ay kinalkal na rin ni Rosmar at dinadamay na sa kanilang bardagulan. Sa Facebook post ni Rosmar, ibinulgar niya hindi nagsasama sa iisang bobong sina Ms. Glenda at asawa nito.

Kasunod naman nito ay ang post na ito ni Rosmar sa kanyang Facebook account, na may mga resibo siyang magpapatunay sa mga claims niya. Tila tinotoo naman ito ni Rosmar at nagbahagi ng isang larawang bagama't nakatakip ang mukha ng babae ay hinihinalaan naman ng iba ngayon na ito ay walang iba kundi si Ms. Glenda. Sinundan naman niya ito ng isa pang post na nagsasabing may asawa na may boyfriend pa.



Samantala, tila hindi kinaya ni Ms. Glenda ang stress na ibinibigay sa kanya ng mga banat ni Rosmar kay isinugod ito sa hospital. Bagama't hindi sinasabi ni Ms. Glenda ang kanyang sakit, nagpapasalamat pa rin siya sa mga taong sumuporta at nagbigay ng panalangin para sa kanyang pagpapagaling. Tila pinapakita rin nito na suportado siya ng kanyang asawa at hindi totoo ang mga banat ni Rosmar laban sa kanya. Nagpost siya ng ilang larawan ng sweetness nila ng kanyang asawa. Ayon pa rito, open sa mga tao ang buhay niya at hindi niya ito ikinakahiya.

Mula noon... Hanggang ngayon... ♥️
"Si Mac, tahimik lang... Ayaw niyan ng drama, ayaw niyan ng nakikipag-away ako, sinasaway kahit pa nasa tama ako. 💯
9 years, hindi naging madali ang pagsasama namin dahil nagsimula kami na sobrang bata ko pa. 14 years old to be exact ng makilala ko siya. ♥️
Para nga akong nagkaroon ng kuya dahil siya ang labasan ko ng lahat ng hinanakit ko sa mundo. 😘♥️
Open book ang buhay ko, hindi ko ikinakahiya lahat ng pinagdaanan namin dahil ngayon yan ay isang "kwento" nalang na naging aral sa kung ano kami ngayon. 💪🏻💪🏻💪🏻
Basta si Lord ang center ng relationship niyo, kahit ano pa man ang mangyari, babalik at babalik kayo sa kung ano ang sinumpaan niyo. ♥️
Ngayon, mas masaya kami. Tanggap namin lahat ng baho ng bawat isa. Lahat ng hindi magandang kwento, tinatawanan nalang namin and that made us more VICTORIOUS! 💎
Naghiwalay kami ng dalawang taon, parehong naligaw ng landas pero andito kami ngayon, magkasama at nagtutulungan. ♥️
Matagal ng ginagamit ang mga issues na yan noon pa, hindi niyo yan magagamit para mapabagsak ako/ kami. Kung noon nga na sira kami ni Mac, kinaya ko, ngayon pa kaya? 💪🏻♥️
Nagkanya-kanya kami ng ilang taon, pero hindi namin napabayaan ang Brilliant Skin Essentials! 💯♥️
Uulitin ko, ngayon pa kaya? ♥️
Proud ako kasi nalagpasan at kinaya naming dalawa. ♥️♥️
1 Corinthians 13 1
Love is patient, love is kind. It does not envy, it does not boast, it is not proud. It is not rude, it is not self-seeking, it is not easily angered, it keeps no record of wrongs. Love does not delight in evil but rejoices with the truth."

Samantala, tila muling bumanat si Rosmar at sinabing highblood at low sugar din siya ngayon ngunit hindi siya nagpapaawa at nagpapavictim sa mga tao.
 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo