Hindi lingid sa kaalaman ng mga followers ni Heart na nahihirapan siyang magbuntis.
Kamakailan lamang ay naibahagi ni Heart sa isang panayam ang tungkol sa isyung ito. Ikinuwento ni Heart sa nasabing interview ang lahat ng paghihirap na pinagdaanan para lamang mabuntis sa pamamagitan ng Invitro Fertilization.
Ang Invitro Fertilization ay isang komplikadong pamamaraan na tumutulong sa mga babaeng nahihirapang magbuntis.
Sa panayam, ibinahagi ni Heart ang mga paghihirap sa kanyang IVF journey. Inilalarawan ito ni Heart na napakahirap at napakasakit na sitwasyon. Ayon kay Heart tatlong beses sa isang araw siyang ini-injectionan sa loob ng dalawang linggo. Matapos ang maraming proseso, ibinahagi ni Heart na nakabuo sila ng perfect boy at perfect girl fetus.
Matatandaang nagbuntis na noon si Heart ng kambal, subalit sa isang hindi inaasahang pagkakataon, nalaglag ang kanyang ipinagbubuntis taong 2018 nang mangyari ito. Iniwan kay Heart ang masakit na alaala. Matapos ang pangyayaring ito, labis na pressure ang kinaharap ni Heart lalo kapag may mga netizens na nagtatanong kung kailan siya magbubuntis.
Marami rin ang nagtatanong sa kanya kung bakit sa kabila ng kanyang edad ay hindi pa rin siya nagbubuntis at wala pang anak.
Pag-amin pa ni Heart, "Am I ready for a child? I actually have a baby boy and a baby girl waiting for me, but I'm really at this stage in my life where I ask myself, 'Do I want a child because I want a child?' or 'Do I want a child because the environment or culture dictates that I should have a child?'"
Sa kabila ng lahat malaki pa rin ang pasasalamat ni Heart na may ganoong proseso na IVF, na nakakapagbigay ng opportunity sa mga kababaihan na nahihirapang magkaroon ng anak.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!