Cristy Fermin Pinagsabihan Ang Nakababatang Kapatid Ni Toni Gonzaga Na Si Alex Gonzaga!

Sabado, Setyembre 3, 2022

/ by Lovely


Muling pinagsabihan ng sikat na showbiz Columnist na si Cristy Fermin ang nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga na si Alex Gonzaga.

Ayon kay Cristy Fermin, wala umanong filter ang dila ni Alex Gonzaga. Agad naman itong pinag-uusapan ng mga netizens.

Matatandaang sa Youtube channel ni Manay Cristy, kasama sina Wendell Alvarez at Morly Alinio, napag-usapan nila si Alex Gonzaga. Ayon kay Cristy Fermin, walang filter ang dila ni Alex at hindi umano nito alam kung ano ang sasabihin sa tamang panahon. Dapat alamin umano ni Alex kung kailan niya dapat bibitawan ang mga salita.



Nabanggit din nila sa kanilang pag-uusap na hindi umano nag-iisip si Alex kung may nasaktan na ba siya sa kanyang mga sinasabi. Naikumpara din nila si Alex sa kanyang nakakatandang kapatid na si Toni Gonzaga. Pinuri nila si Toni dahil sa pag-iisip nito sa kanyang mga sinasabi samantalang bara-bara lamang umano si Alex.

Ipinunto din nila na kailangan na umanong magmature ni Alex dahil hindi na ito bata. Napag-usapan din nila sa kanilang vlog ang tungkol sa pagtag ni Mateo kay Alex sa Lunch Out Loud. Bagama't agad na sinabi ni Mateo na nagbibiro lamang tiyak umanong half-meant ito.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo