Kampo ng modelong si Deniece Cornejo iginiit na dapat ilipat sa Taguig City Jail si Vhong Navarro.
Magpapasa umano ng petition sa korte ang legal team ng actor-host na si Vhong Navarro upang makapagpyansa ito at makalaya ng pansamantala sa kasong rape na isinampa ni Deniece Cornejo. Matatandaang kusang sumuko si Vhong Navarro matapos malamang inilabas na ng Taguig Metropolitan Trial Court ang arrest warrant laban sa kanya sa kasong Act of Lasciviousness.
Naghahanda ng magpyansa si Vhong ng 36,000 pesos sa nasabing kaso noong September 19. Ngunit may inilabas muling arrest warrant laban sa kaso sa kasong rape naman. Nagpalipas ng gabi sa NBI detention center si Vhong Navarro.
Samantala iginiit naman ng kampo ni Deniece na dapat ilipat na sa kulungan si Vhong Navarro kasama ng ilang mga criminal. Tumanggi namang magpa-interview si Deniece Cornejo ukol sa kanyang reaksyon sa pagkakakulong ni Vhong Navarro. Sa halip, nagbahagi ito ng isang inspirational quote sa kanyang social media, patungkol sa pakikipaglaban niya sa karapatan ng babae. Lalong lalo na ang biktima ng pang-aabuso.
Matatandaang ibinahagi rin ni Deniece ang kaparehong qoute noong 2014 ilang araw matapos mabalita ang umano'y panggagahasa ni Vhong sa kanya.
"Kung ako instrumento upang maging ehemplo sa mga kababaihan na maging matatag sa naabuso, nasaktan at nasasamantalahan. Paglalaban ko at paninindigan ko."
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!