Dindo Arroyo Arestado Ng Mga Pulis Sa Binan Laguna!

Huwebes, Setyembre 22, 2022

/ by Lovely


Inaresto ang aktor na si Dindo Arroyo noong September 20, martes ng mga pulis sa Binan, Laguna bandang ala-sais ng gabi.

Ayon sa Facebook post ng Laguna Police Provintial Office noong myerkules, inaresto umano ang actor sa bisa ng warrant of arrest mula RTC Branch 101 Sta. Rosa Laguna. Noong September 15 pa umano lumabas ang arrest warrant laban sa aktor.

Si Dindo ay nahaharap sa dalawang counts ng cyber libel. Maari naman siyang magpyansa ng 10,000 pesos sa bawat kaso. Kasalukuyang nasa kustodiya ng BJMP ng Binan, City.

Samantala, hindi inilabas sa mga ulat kung sino ang nagsampa ng kaso laban sa aktor.

"LAGPIO-FB-0921-2022-65
Laguna PNP-PIO- OPERATION
Press Release
Wednesday, September 21, 2022
TV personality arestado sa inihaing warrant of arrest ng Biñan PNP
Kampo Heneral Paciano Rizal – Arestado ang isang Celebrity sa inihaing warrant of arrest ng Biñan PNP kahapon Setyembre 20, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Randy Glenn G Silvio, Officer-In-Charge, Laguna PPO ang akusado na si Conrado Manuel Ambrosio II alias Dindo Arroyo , 61 anyos, male, single residente ng Brgy.Binan,Binan City,Laguna.
Sa inihaing warrant of arrest ng Biñan City Police Station ay naaresto ang akusado kahapon Setyembre 20, 2022 sa ganap na 06:00 ng gabi sa Brgy. Biñan, Binan City, Laguna sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Hon. Rosauro Angelito Sicat David, Presiding Judge, Regional Trial Court, Branch 101, Santa Rosa City, Laguna na ipinag-uutos sa ating mga awtoridad na arestohin ang nasabing akusado ang nasabing warrant of arrest ay inilabas noong Setyembre 15, 2022.
Ang akusado ay nahaharap sa kasong RA 10175 o “Cybercrime Prevention Act of 2012” (2) counts na may pyansang inirekomenda nagkakahalagang Php 10, 000.00 bawat kaso.
Ang naarestong akusado ay kasalukuyang nasa kustodiya ng BJMP of Biñan City habang ang korteng pinagmulan ng warrant of arrest ay iimpormahan sa pagkaaresto ng akusado.
Ayon sa pahayag ni Police Colonel Silvio “Sa pagkaaresto ng akusado ipinapakita lamang na walang pinipili ang ating batas.”"



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo