Direk Daryl Nag React Sa Tropang LOL Marites about Sa Issue Nila Regine, Gelli at Ariel Rivera!

Miyerkules, Setyembre 14, 2022

/ by Lovely


Maging ang Director ng pelikulang Maid in Malacanang ay hindi napigilang mag-react sa isyung kinakaharap ngayon ng noontime show na Lunch Out Loud.

Matatandaang hindi nagustuhan ng maraming mga netizens ang pag-uungkat ng Marites Segment nila sa mga sensitibong nakaraan ng ilang mga artista. Kagaya na lamang ang isyu noon sa pagitan nina Regine Velasquez, Gelli De Belen at Ariel Rivera.

Sa isang episode ng nasabing segment isa sa ipinakita nilang tanong ay kung sino ang naging third party sa hiwalayan noon nina Ariel Rivera at Gelli De Belen. Hindi ito nagustuhan ng mga netizens dahil tila inuungkat pa ng Lunch Out Loud ang masalimoot na nangyari sa nakaraan.

Maging ang Director ng Maid in Malacanang na si Darryl Yap ay nakapagbigay ng komento ukol rito. Ni-repost niya ang article mula sa Fashion Pulis, kalakip ang caption na , "Hahahaha history o tsismis."



Samantala may nagkomento naman ang nasabing isyu ay isa lamang tsismis noon ngunit history na ngayon. Inamin naman umano ito ni Regine sa isang guesting noon.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo