Maraming mga tagahanga ni Joshua Garcia ang nagulat matapos malink ang aktor sa content creator na si Bella Racelis.
Nag-ugat ang usaping ito matapos kumalat ang mga larawan nilang magkasama sa tila isang date. Nai-flex din ng aktor ang kanyang rumored girlfriend na si Bella. Mukhang tapos na ang laban para sa pagungkit sa puso ng binatang aktor. Tila may nanalo na umano ayon sa ilang mga netizens.
Samantala, hindi pa naman ito kinumpirma o itinanggi ng dalawa. Hindi pa rin sila nagbigay ng pahayag na makakapagbigay linaw sa kanilang totoong relasyon sa ngayon.
Samantala, sa balita ng pagkakaroon ni Joshua ng bagong girlfriend ngayon, hindi naiwasan ng ilang mga netizens ang ma-curious kung ano ang masasabi ng dating girlfriend ni Joshua na si Julia Barretto. Sa isang show kung saan guest si Julia, naitanong sa kanya kung ano ang masasabi niya sa bagong babaeng nalilink sa kanyang ex.
Matapang na sinagot naman ito ni Julia, na nakakabuti umano ito sa kanila pareho. Masaya naman umano siyang makita si Joshua na may bago nang minamahal. Masaya din umano ang aktres na pareho na silang masaya sa kani-kanilang lovelife.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!