Kim Chiu, Umamin Na Mas Lalong Nainlove Ng Mapanood Si Xian Lim Habang Umaacting!

Martes, Setyembre 13, 2022

/ by Lovely


Nagbigay ng nakakakilig na pahayag para sa isa't-isa ang magkasintahang Kim Chiu at Xian Lim habang nasa isang press con para sa kanilang pelikulang magkasama na pinamagatang Always.

Sa nasabing event, inamin ni Kim na labis siyang humahanga sa nobyo habang pinapanood niya itong umarte. Tila naninibago rin umano siya dahil matagal na noong huling nagkasama sila sa iisang proyekto. Sa galing umano ipinakita ng kanyang boyfriend ay lalong napahanga siya rito.

Agad naman kiniliga ang mga press lalong-lalo na ang mga tagahanga nilang dalawa.

Ayon naman kay Xian, wala pa ring nagbabago sa pagtingin niya kay Kim sa kabila ng kanilang pagsasama.
 


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo