Masisibak Na! Show Nina Alex Gonzaga Na Lunch Out Loud Dahil Sa Ginawa Ni Matteo!

Miyerkules, Setyembre 14, 2022

/ by Lovely


Binabatikos ngayon ang isang programa ng TV5 na Lunch Out Loud dahil tila namimihasa na umano ito sa paggamit ng mga sensitibong nakaraan ng mga hosts at guests nito para lamang pag-usapan ang show nila.

Hindi nagustuhan ng ilang mga netizens ang Marites segment ng Lunch Out Loud dahil sa paggamit ng mga tanong na sensitibo para sa ilang mga artista at guest. Ginagamit kasi ng nasabing show ang ilang mga hindi magandang nakaraan ng ilang mga artista.

Narito ang isang tanong mula sa Marites segment ng Lunch Out Loud.

"Naging mag-jowa sina Ariel Rivera at Gelli De Belen nung 90's. Pero nag-break sila for a while dahil daw sa third party na.. Sino?"



Ang choices naman para sa sagot nito ay sina Agot Isidro, Regine Velasquez, Lea Salonga at Jean Garcia.

Hindi naman nasiyahan ang ilang mga netizens sa muling pag-uusap ng ganitong mga topic. Lalo pa't maayos na ang buhay ng mga artistang isinangkot sa tanong. Isa pa'y napaka insensitive nito para sa mga nasabing artista at sa pamilya nito. Hindi na umano ito dapat pang pag-usapan sa isang show na makikita ng karamihan.

Komento pa ng isang netizen na hindi na entertaining ang ginagawa ng show dahil nawalan na ito ng respeto para sa ibang tao. Samantala nagpost naman ang isang netizen at ginamit ang past ng isa nilang host na si Billy Crawford.

Matatandaang, matagal na nagkarelasyon noon sina Billy at Nicki Gil na umabot pa sa limang taon. Bigla na lamang silang naghiwalay dahil sa pagpasok ni Coleen Garcia. Binalik ng netizen sa Lunch Out Loud ang tanong at ginamit ang dating relasyon nina Billy, Nicki Gil at Coleen Garcia bilang third party.

May ilan pang nananawagan na kanselahin na lamang ang buong show dahil sa mga insensitive contents nito.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo