Matteo Guidicelli Totoong Napikon Sa Resbak Ni Julia Barretto Sa Live Tv!

Martes, Setyembre 13, 2022

/ by Lovely


Sa nakaraang episode ng Tropang LOL kung saan naging guest si Julia ay tila inungkat ni Matteo Guidicelli ang nakaraang ng kasalukuyang boyfriend ngayon ni Julia na si Gerald Anderson sa ex-girlfriend nitong si Bea Alonzo.

Sa nasabing episode inintriga ni Matteo si Julia sa nakaraan nito kay Joshua Garcia. Maayos naman itong sinagot ni Julia na tila walang kamalay-kamalay sa isyu. Sinabi rin ni Julia na dapat ilet-go ang mga past relationships dahil wala na iyon at may kani-kanya na silang mga karelasyon. Dapat umanong wala ng bitterness sa isa't-isa.

Ngunit nang si Gerald na ang pinuntirya ni Matteo at sinabing nadefine nito ang salitang ghosting ay tila nag-iba na ang timpla ni Julia. Hindi na ito pinalampas ni Julia at sinabing una niyang narinig ang salitang ghosting mula sa babaeng naghost nito. Todo tanggi naman si Matteo at sinabing nakalimutan na umano niya iyon kung mayroon man. Hirit naman ni Julia na dapat ay nakalimutan na rin niya iyon ngunit ibinalik ni Matteo.



Bagama't hindi pinangalanan ni Julia kung sino ang tinutukoy niya, agad naman nahulaan ng mga netizens kung sino ang babaeng ito. Matatandaang noong 2013, humarap na umiiyak sa isang interview si Jessy Mendiola kung saan inamin niyang broken hearted siya dahil kay Matteo.



Komento naman ng ilang mga netizens na madaling mapikon si Mateo kung siya ang inaasar, pero insinsetive naman kung mang-asar.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo