Alamin ang naging buhay ng child star noong dekada 90 na si Tom Taus.
Si Tom Taus ay ipinanganak noong April 28, 1986 sa Angeles, Philippines. Sumikat siya bilang child star, nagsimulang makilala nang mapasama siya sa isang gag show na Ang TV. Mula rito ay nakasama na siya sa mga proyekto sa pelikula. Ang mas tumatak sa isip ng mga manonood ay noong pagbidahan niya ang pelikulang Cedie noong 1996.
Noong 13 years old si Tom ay napagpasyahan niyang lisanin ang Pilipinas at nanirahan sa United States. Doon nagsimula si Tom ng isang buhay na malayo sa pag-arte. Sa edad na 27, nag-umpisang makilala si Tom sa larangan ng musika. Kinilala siya bilang si DJ Tommy T. ng mga tagahanga niya sa Los Angeles.
Naging bihasa si Tom sa electric drums at dance music. Isa rin siya sa mga tinaguriang magagaling na DJ sa buong South East Asia. Nabigyan din siya ng pagkakataon makapagtanghal kasama sina Lady Gaga at Snap Dogg.
Ilang taon ang lumipas bumalik si Tom sa Pilipinas upang magbakasyon at bisitahin ang kanyang ama. Kasalukuyang nagmamay-ari si Tom ng isang entertainment company kasama ang kapatid na dating aktres na si Antonette Taus.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!