Mainit pa rin pinag-uusapan ngayon sa social media ang pagkakakulong ni Vhong Navarro matapos ang muling pagbubukas ng mga kasong isinampa noon ni Deniece Cornejo laban sa kanya.
Ipinabubukas muli ng Court of Appeals ang mga kasong Act of Lasciviousness at Rape na inampa noon ni Deniece. Matatandaang ipinabasura ng Department of Justice ang mga nasabing kaso noong 2014 dahil sa lack of probable cause.
Matatandaan rin na hindi lamang si Deniece ang nagreklamo ng panghahalay laban kay Vhong Navarro. Noong 2014 ay naging usap-usapan sa social media at mga news outlets ang condo issue kung saan sangkot sina Vhong Navarro, Deniece Cornejo at Cedric Lee. Nagsampa ng reklamo si Deniece noong panahong iyon laban kay Vhong ngunit makalipas ang ilang buwan ay ibinasura ng Department of Justice sa pamumuno ng dating senador Leila De Lima. Ito ay sa kadahilanang hindi nakapagbigay si Deniece ng logical story kaya hindi nakakita ng probable cause para akusahan si Vhong Navarro at ipagpatuloy ang kaso.
Samantala noong August 2022 ay ipinag-utos ng Court of Appeals sa Department of Justice na kailangan muling ibukas ang kasong isinampa ni Deniece laban kay Navarro. Ayon sa CA walang basehan ang Department of Justice na ibasura ang kaso noon sa kadahilanang hindi kapani-paniwala ang mga pahayag ng complainant.
Ilan pa sa nagakusang ng panghahalay kay Vhong Navarro ay ang dating beauty queen na si Roxanne Cabanero noong 2010. Ibinasura naman ng DOJ noong 2014 ang nasabing kaso sa pamumuno ni Leila De Lima dahil sa magulo nitong pahayag. Labis namang nakaapekto sa career ni Cabanero ang pagsampa ng kaso. Kung saan umalis ito bilang contestant ng Ms. World Philippines at humarap ng kaso dahil rito.
Noong 2014 ay kinasuhan ni Margarita Fajardo si Vhong Navarro. Hinalay umano siya ng aktor noong 2009 sa loob ng SUV. Ibinasura naman ng Prosecutors Office ng Quezon City ang reklamo ni Fajardo dahil sa kawalan ng probable cause.
Samantala, noong 2015 ay nagsulat ng isang open letter si Kat Alano kay Leila De Lima dahil sa hindi siya pinansin nito sa kanyang reklamo sa isang aktor na tinago niya sa #rhymeswithwrong dahil hinalay umano siya nito.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!