Sinusubaybayan pa rin hanggang ngayon ng mga netizens ang muling pagbubukas sa kaso ni Vhong Navarro na isinampa noon ni Deniece Cornejo.
Matapos ang mahigit walong taon ipinag-utos ng Court of Appeals na muling buhayin ang kaso ni Vhong Navarro na dating ibinasura ng Department of Justice dahil sa kawalan ng probable cause. Sa muling pagbubukas ng kaso, labis na nadismaya at nalulungkot si Vhong Navarro dahil tila nabaliktad na siya at siya ang lumalabas na dehado.
Samantala, maging ang Senador na si Sen. Bong Revilla Jr. ay nagbigay ng opinyon tungkol sa kinakaharap ngayon ng aktor. Ayon sa kanya, kung totoong may ginawang kasalanan itong si Vhong Navarro ay nararapat lamang na managot ito sa batas, ngunit kung inosente ito ay napakasakit. Napakasakit umanong madiin sa kasong walang kinalaman kagaya na lamang umano sa nangyari sa kanya.
Hindi umano biro ang mga pinagdadaanan sa loob ng kulungan habang patuloy na nililitis ang kaso. Panawagan din ng senador na sana'y maging mabilis ang paglilitis upang lumabas kaagad ang katotohanan.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!