2 Taon Na Lang Mabubuhay! Dra. Vicki Belo May Tan1ng Ang Buhay!

Biyernes, Oktubre 7, 2022

/ by Lovely


Naging pasabog ang pag-amin ni Dra. Vicky Belo na nagkaroon siya ng Stae 3 breast cancer noong 2016.

Sa isang panayam kay Dra. Vicky Belo, inamin nito ang matagal na niyang itinatagong sekreto. Sa panayam ni Korina Sanchez kayt Dra. Vicky Belo, inamin nito sa kauna-unahang pagkakataon ang kanyang tahimik na pakikipaglaban sa sakit na cancer.

Ayon kay Dra. Vicky, may napansin sa isang interview niya na tila naglalagas ang kanyang buhok. Dahil dito napagdesisyunan ng Doctor na magpa-check up. Sa kanyang pagpapa-check up lumabas na may breast cancer siya at kasalukuyang nasa stage 3 na.

Paglalahad pa ni Dra. Belo, hindi na siya pinagpa-chemotherapy ng kanyang mga Doctor dahil may taning na ang kanyang buhay. Sinabihan umano siya ng mga doktor na huwag nang mag-abala pang magpa-chemo dahil mamamatay rin naman siya sa loob ng dalawang taon.



Hindi naman naniwala ang doktora at pumunta sa New York upang kumuha ng second opinion. Ngunit hindi pa rin siya nakakuha ng positibong resulta. Pag-amin pa ni Dra. Belo na noong ikinasal ang kanyang anak ay nakasuot na lamang siya ng wig dahil nakalbo na siya dahil sa pagpapa-chemo.

Inamin din ng Doktora na namatay ang kanyang ina, habang nasa hospital siya at nagpapachemo. Dahil umano sa pangyayaring ito naipakilala nila sa publiko ang kanilang anak ni Hayden na si Scarlet Snow na binabalak nilang itago nung una.

Pagbabahagi naman ni Vicky na ang pagmamahal at pagsuporta ng kanyang pamilya, at higit sa lahat ang anak niyang si Scarlet ang naging lakas upang malabanan niya ang sakit. Ngayon masayang-masaya si Vicky dahil cancer-free na siya at nagkaroon na ng apo sa anak na si Crystal matapos ang matagal nilang paghihintay.

( Hide )
  1. Malaki Ang tulong ng chemo.... Congratzzz cancer free Ang marami...

    TumugonBurahin

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo