Tila may ibang laman ang naging tweet ni Agot Isidro, matapos magtrending sa Twitter kung nasaan ang Pangulo sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyon Paeng sa bansa.
May mga lumabas na balita na umano'y nasa bansang Japan ang Pangulo kasama ang kanyang pamilya. Sa isinagawang emergency meeting ng National Risk Reduction Management Council ay nakipag-zoom lamang ang pangulo.
Hindi nakaligtas sa mapanuring tingin ng ilang mga netizens na tila iba ang background ng Pangulo. Hinuha nilang nasa bansang Japan ito.
Samantala, ayon sa tweet ni Agot, “Japan Japan. Sagot sa Kahirapan.”
Sinundan pa niya ito ng, "Just Always Pray At Night."
Pinuri din ni Agot ang Presidente ng South Korea dahil sa mabolis na pagtungo nito sa pinangyarihan ng stampede dahil sa isinagawang Holloween Party.
“Korean President Yoon Suk-yeol seen here visiting the tragic site of the stampede that killed 151 people last night,” tweet ni Agot.
Sa kabilang banda, nilinaw naman ng Office of the Press Secretary officer-in-charge (OIC) Cheloy Garafil na wala sa Japan ang pangulo.
Korean President Yoon Suk-yeol seen here visiting the tragic site of the stampede that killed 151 people last night.
— Agot Isidro (@agot_isidro) October 30, 2022
📸 NYT pic.twitter.com/iDuPPrWhud
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!