Muling pinag-uusapan sa social media si Aira Mae Lipata hindi dahil sa pagkakadawit niya sa isyu nina Skusta Clee at Zeinab Harake kundi dahil inireklamo ito ng kanyang landlady sa pagiging dugyot.
Sa isang Facebook post, kinoll-out ng nagpapakilalang dating landlady ni Aira Mae na si Shyla Mamay.
"WOW!!!! Calling!! Calling!! Aira Lipata AIRA MAE LIPATA ANG LINIS SA UNIT NI MISS AIRA. MAPAPAWOW KANALANG TALAGA. TIKTOK NOW TAKAS LATER
Yung mga damages sa unit ishoulder mo kung may natitira kapang kahihiyan sa katawan mo."
Napuno na ang agent ng nasabing unit dahil hindi na umano sila pinapansin ni Aira Mae at palagi na lamang isini-seen ang kanilang messages. Kaya naman, ibinahagi na nila ito sa social media. Kalakip ng nasabing post ay ang mga larawan ng unit matapos iwan ni Aira Mae. Makikitang napaka rumi nito at tila hindi man lang nalinisan ni minsan.
Samantala, matapos mag-viral ng post na ito ng agent. Kaagad na nagreach out ang isa sa mga kaibigan ni Aira Mae. Tila sinisisi pa nito ang agent kung bakit siya nag post sa social media tungkol sa kadugyotan ni Aira Mae, gayung alam naman umano ng lahat na sikat ito.
Agad namang sumagot si Shyla Mamay at nilinaw na hindi pagpapasikat ang kanyang dahilan kaya siya nagpost.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!