Mainit na usapin ngayon sa social media at number one trending sa Twitter ang pagkaka-appoint kay Paul Soriano bilang Presidential Adviser on Creative Communications. Kinumpira ito ni Usec. Cheloy Garafil.
Matapos kumpirmahin ng Malacanang ang nasabing appointment kay Paul Soriano agad itong umani ng samu't-saring pambabatikos mula sa mga netizens. Ayon sa iba ano naman ang gagawin ni Paul Soriano sa Malacanang. Tanong din ng ilang mga netizens kung ano ba ang gagawing ng isang Presidential Adviser on Creative Communications.
Hindi sang-ayon ang ilang mga netizens sa pagkaka-appoint kay Paul Soriano dahil pamangking ito ng First Lady at inaanak pa sa kasal. Ipinunto din ng ilang mga netizens na tila hindi naman kailangan ng isang Presidential Adviser on Creative Communications ng bansa. Hindi din nagustuhan ng mga netizens na nauna pang nag-appoint ang pangulo ng Presidential Adviser on Creative Communications na wala pang malinaw na function kaysa sa pag-appoint ng DOH at DA secretaries na mas kailangan umano ng bansa.
Samantala, nag-take oath na si Paul Soriano sa President's Hall ng Malacanang.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!