Tila hindi pa rin natatapos ang pang-iintriga kay Atom Araullo ng ilang mga netizens na kabilang umano ito sa mga activists kasama ang kanyang mga magulang.
Matatandaang naunang pinabulaanan ni Atom ang isyung ito at sinabing isa itong disinformation o fake news.
Ngayon naman sa pamamagitan ng isang tweet nilinaw ni Atom ang kahulugan ng kanyang pangalanan. Nakarating kasi sa kanya na may isang netizen na nagpapakalat na ang kahulugan umano ng pangalan ni Atom ay “August Twenty One Movement”. Ito ang kilusang umusbong matapos ang pagpaslang kay Sen. Ninoy Aquino sa Manila International Airport na ngayon ay NAIA.
Ipinaliwanag ni Atom na ang kahulugan ng kanyang pangalan ay mula sa pinagsamang pangalan ng kanyang mga lolo na sina Alfonso at Tomas.
“Utang na loob, itigil niyo na yung teoryang ipinangalan ako sa August Twenty One Movement o ATOM. Pinaslang po si Ninoy noong Aug 21, 1983. Ipinanganak ako noong 1982 (ayan age reveal tuloy). Ang Atom po ay kumbinasyon ng Alfonso at Tomas, na pangalan ng dalawa kong Lolong astig,” tweet Atom.
“Nakakatawa na ang dami-daming naniniwala diyan, at ginagamit na pruweba ng umano’y secret political agenda ko (gasp). Never thought I’d need to explain this, but here we are. #Disinformation is real. Learning poverty is real. Anyway, sana masarap ang mga ulam ninyo ngayon.”
Utang na loob, itigil niyo na yung teoryang ipinangalan ako sa August Twenty One Movement o ATOM. Pinaslang po si Ninoy noong Aug 21, 1983. Ipinanganak ako noong 1982 (ayan age reveal tuloy). Ang Atom po ay kumbinasyon ng Alfonso at Tomas, na pangalan ng dalawa kong Lolong astig.
— Atom Araullo (@atomaraullo) October 25, 2022
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!