Bam Aquino Nag React Sa Pagp4slang Kay Perci Lapid! PBBM Mas Nakakuha Ng Simpatiya!

Miyerkules, Oktubre 5, 2022

/ by Lovely


Umaani ng samu't-saring opinyon mula sa mga netizens ang pagpaslang kay Percy Lapid.

Isa sa nagbigay ng opinyon ay si Bam Aquino. Ayon sa kanya, ang mga huling broadcast ni Percy, ay ang paglaban nito sa mga kasinungalingan para umano mailigtas ang ating lipunan. Nakikiramay din siya sa mga naiwang pamilya nito. Hiling din niya ay hustisya para sa mamamahayag.

"Nakikiramay po tayo sa pamilya, mga kaibigan, at mga taga-pakinig ni Ka Percy.
Malalim ang pagmamahal sa bayan ni Ka Percy. Walang preno, ika nga niya. Sa mga huling broadcast ni Ka Percy, idiniin niya ang kahalagahan ng patuloy na paglaban sa kasinungalingan para maisalba ang ating lipunan.
Nakakagalit at nakakabahala ang patuloy na pagpatay, panggipit, at karahasan sa mga mamamahayag natin. Kailangan nang wakasan ang kulturang ito.
Nawa'y maging ehemplo ang katapangan ni Ka Percy sa ating lahat, at makamit niya at ng kaniyang pamilya ang hustisya."


Matatandaang sa huling mga komentaryo niya ay pinuna niya ang dating administrasyon ni Dating Pangulo Rodrigo Duterte at binalaan si Pangulong Bongbong Marcos.

Samantala, agad na inalmahan ng ilang mga netizens ang pahayag na ito ni Bam. Ayon sa mga ito, walang kinalaman si PBBM sa pagpaslang kay Percy Lapid. Marami sa mga netizens ang hindi natutuwa sa pag-uugnay kay PBBM sa pagpaslang kay Percy Lapid.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo