Batikang Aktres-Ibinuking Ang Kapamilya Aktor at Aktres.

Linggo, Oktubre 16, 2022

/ by Lovely




Naging usap-usapan kamakailan sa social media ang dalawang kapamilya star na umanong magkarelasyon at magkakaanak na di umano. Ngunit nitong nagdaang mga araw ay may sinabi ng isang batikang aktres na pawang tsismis lamang ang mga ito.

Ibinuking kamakailan ni Ms. Sylvia Sanchez na hindi buntis ang kanyang anak na si Ria at kasalukuyang nasa dating stage pa lamang ang kanyang anak na si Ria at ang aktor na si Zanjoe Marudo.

Ayon kay Sylvia, sa huling pag-uusap nila ng anak na si Ria sinabi nito sa kanya na wala pa silang official relationship ni Zanjoe. Ngunit, nililigawan na siya nito at nagde-date na sila. 

Kaya naman natatawa na lamang umano si Sylvia sa mga lumalabas na balitang buntis at nagpakasal na ang kanyang anak kay Zanjoe Marudo. Ayon pa sa kanya, bakit tila mas may alam pa ang mga marites kaysa sa kanya na ina mismo.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo