Bea Alonzo Muling Nilait Ni Lolit Solis 'Bituin Walang Ningning'

Huwebes, Oktubre 6, 2022

/ by Lovely


Sa hindi na mabilang na pagkakataon, muling naglabas ng panlalait si Manay Lolit Solis sa Kapuso actress na si Bea Alonzo.

Sa kanyang Instagram account nitong October 6, 2022, muling nagpost si Manay Lolit Solis ng panlalait kay Bea Alonzo na kasalukuyang gumaganap na bida sa Philippine adaptation ng Start-up. Ayon kay Manay napanood ng kanyang mga kaibigan ang Start-up Ph, kitang-kita umano ng mga ito ang wrinkles ni Bea Alonzo habang nakatabi kay Alden Richards. Ayon pa kay Manay, baka magconsult a lawyer na naman ang kampo ni Bea gayung hindi nakakatulong ang lawyer sa pag-aalis ng mga wrinkles ng actress.

"After ng lunch natin Salve, plano na naman ni Leo Espinosa, PatP at Gorgy na magkaruon ng lunch with Cong. Rachel Arenas. Jogging friends pala sila Cong. Rachel Arenas at Leo Espinosa kaya type din nila na makasama tayo sa lunch. Siguro exciting lunch iyon dahil si Leo pala ever favorite si Bea Alonzo at talagang gandang ganda siya sa haggard beauty nito na lalong tumindi ng mapatabi sa very young looking na si Alden Richards. Lalong nakita ni Leo mga wrinkles ni Bea habang nanunuod siya ng Start Up PH kaya naniwala siya na medyo haggard beauty na ang talent ni Shirley Kuan. Baka naman pareho ng edad sila Bea at Shirley kaya ganuon, palagay mo Salve at Gorgy ? Baka naman consult a lawyer agad ang gawin ni SK dahil dito, eh may magagawa ba ang lawyer para maalis wrinkles ni Bea ? Kailangan ba ng lawyer para mag cancel ng mga invited guests sa isang presscon na hindi naman nila gastos kundi ng Beautederm, hayan tuloy , hindi successful ang sales ng endorsed product niya sa Beautederm, kawawa naman si Rhea Tan na sobra sa bait kaya na power play nila. No matter kung ano pa sabihin, basta wala ng ningning si Bea Alonzo. Suwerte siya at pumayag si Alden Richards na mag partner sa kanya. Kasi nga, saan ka naman nakakita ng star na nagpapa cancel ng invited guest, tinalbugan niya mga super mega star of all seasons ha, feeling on top eh nasa ibaba na. Hay naku Bea Alonzo, reality check muna noh, baka sobra eklay na natatanggap mo sa team mo, akala mo nasa top ka parin, maging tutoo, huwag mag ilusyon. Harapin ang katotohanan, sabihin nyo nga Salve at Gorgy. Bongga."

Talagang hindi pa rin nakakamove-on si Manay Lolit Solis sa umano'y pagpapakansel sa kanila ni Bea Alonzo sa nakaraang launching nito sa Beautederm. Ayon pa kay Manay na hindi naging sucessful ang sales ng Beautederm mula ng maging endorser si Bea Alonzo.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo