Isang nakakalungkot na balita, pumanaw na ang broadcaster at kolumnistang si Percival Mabasa o mas kilala bilang si Percy Lapid, matapos pagbabarilin ng dalawang hindi nakilalang suspeks nitong Lunes ng gabi sa Las Pinas City.
Ayon sa imbestigasyon ng mga pulis, papasok sa isang subdivision si Percy nang pagbabarilin ng dalawang lalaki na nakasakay sa isang motorsiklo. Ayon sa mga eye witness, bago mangyari ang pamamaril, isang SUV ang bumangga sa likuran ng sasakyan ni Percy. Agad namang tumakas ang mga suspeks.
Narekober ng mga pulis ang dalawang basyo ng bala ng baril sa crime scene. Hanggang ngayon ay walang tigil ang mga pulis sa pag-iimbestiga upang malaman ang pagkakakilanlan ng mga suspeks. Kasalukuyang tumitingin ang mga pulis sa ilang mga CCTV sa mga kalapit na lugar sa pagbabakasakaling may nahagip ang mga ito na maaring makatulong sa pagkilala sa mga salarin. Bumuo na rin ng special task force ang PNP para matutukan ang imbestigasyon.
Samantala, ayon sa mga kaanak ng biktima, wala silang alam na may nagbabanta sa buhay ni Percy. Pauwi na umano ang biktima ng mangayari ang pamamaril.
Matatandaang isa si Lapid sa mga broadcaster na kritiko ng ilang mga corrupt na opisyalis ng gobyerno. Samantala, nananawagan ang dating vice president na si Leni Robredo para sa agarang hustisya sa pagpaslang kay Percy Lapid.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!