Buking Na!! Relasyong Joshua Garcia at Bella Racelis, Isinapubliko Na!

Linggo, Oktubre 2, 2022

/ by Lovely


Muling naging usap-usapan online si Joshua Garcia, matapos kumalat ang mga larawan nila ng Vlogger na si Bella Racelis na magkaholding hands.

Matatandaang naging usap-usapan noon na si Bella Racelis ang nobya ng aktor matapos mamataan silang sweet na magkasama sa isang bar sa Cebu. Bagama't wala pa ring inaamin ang dalawa, malakas ang kutob ng mga netizens na may relasyon na ang dalawa.

Napapansin din ng iba pang mga netizen ang kadalasa'y pagrereact ni Joshua sa mga social media post ni Bella.

Labis naman na natutuwa ang ilang mga tagahanga ng aktor dahil sa wakas ay tila natagpuan na umano ni Joshua ang bagong pag-ibig na kanyang hinahanap. Pagbibiro naman ng isang netizen na akala umano niya si Bella Poarch si Bella Racelis pala. Ang iba naman ay tila nanghihinayang dahil sa may babae nang nakasungkit sa puso ng gwapong aktor.

Samantala sa isang larawang ibinahagi ni Joshua sa kanyang social media, makikita sa reflection ang isang babae na siya kumukuha ng litrato, na ayon sa ilang mga netizens ay si Bella Racelis.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo