Camp Crame, Maglalabas Ng Cctv Footage Na Kuha Sa Loob Ng Kulungan!

Linggo, Oktubre 9, 2022

/ by Lovely


Maglalabas ng actual CCTV footage ang Camp Crame kung saan hinostage ang dating Senador na si Leila De Lima.

Mainit na pinag-uusapan pa rin sa iba't-ibang social media sites ang umano'y pagkaka-hostage ng tatlong preso kay Leila De Lima sa loob ng Detention Center ng Camp Crame. Ayon sa PNP, isang pulis ang nasaksak habang nagrarasyon ng pagkain sa loob ng kulungan.

Naganap ang insidente sa detention facility kung saan nakakulong si Leila De Lima. Kinumpirma naman ni PNP General Rodulfo Asarin. Ayon sa kanya, kritikal ang kondisyon ng nasasaksak na pulis. Hindi naman nito binanggit kung ano ang pangalan ng nasabing pulis.

Ayon din sa kanya, hindi nasaktan si Leila De Lima at kaunti lamang ang tinamong galos. Samantala,, kasalukuyang nirereview ng mga pulis ang mga kuha ng CCTV sa loob ng kulungan kung saan namalagi ang dating senador.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo