Carla Abellana May Bago Ng Mayaman Na Boyfriend?

Lunes, Oktubre 10, 2022

/ by Lovely


Matapos ang ilang linggong pananahimik ni Carla Abellana sa kanyang social media, usap-usapan ngayon ang umano'y pagkakaroon ng bagong nagpapatibok sa kanyang puso.

Sa latest episode ng Showbiz vlog nina Cristy Fermin sa Youtube channel nito. Muli nalang napag-usapan ang nangyaring hiwalayan sa pagitan ng celebrity couple na sina Tom Rodriguez at Carla Abellana. Kapansin-pansin kasi na umano'y blooming at napakasaya ng mukha ni Carla na tila ay hindi nagdaan mula sa isang hiwalayan.

Matatandaang, naging controversial ang kanilang hiwalayan dahil sa palitan nila ng mga cryptic posts sa social media. Samantala, spotted ng ilang mga netizens si Carla Abellana kasama ang isang mayaman pulitiko. Dahil dito, agad na inisip ng ilang mga netizens na ito ang ipinalit ni Carla kay Tom sa kanyang puso.

Sa kabilang banda, nanatiling tahimik ang kampo ng aktres sa likod ng mga usaping ito.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo