Chito Miranda May Mas Magandang Solusyon Sa Kaysa Sa Pagpapa-Ban Na Solusyon Ni Sen. Jinggoy Estrada Sa Mga K-Drama!

Huwebes, Oktubre 20, 2022

/ by Lovely


Nagbigay ng opinyon ang lead vocal ng Bandang Parokya ni Edgar na si Chito Miranda hinggil sa maaring solusyon sa kakulangan ng pagsuporta sa mga local shows.

Matatandaang nagbigay ng solusyon si Sen. Jinggoy Estrada sa kakulangan sa mga sumusuporta sa mga lokal shows. Ayon kay Sen. Jinggoy, "I don't agree with Korean shows, Filipino actors are losing their jobs and income, Im thinking of banning these telenovelasby foreigners that should be Filipino actors who have their own origin."

Samantala ayon kay Chito Miranda, hindi solusyon sa problema ang pagpapaban sa mga shows at acts ng ibang bansa. Bagkus dapat galingan at tumbasan ng mga local artists ang mga ginagawa nila upang hindi mapag-iwanan.

"Targeting foreign shows or acts is not the solution for the lack of support towards local shows and artists. Coming up with better shows and songs, is. As artists, kelangan lang natin galingan mas lalo para sabay tayo sa foreign acts. "Earn" the support. Di pwedeng sapilitan."


Agad naman itong sinang-ayunan ng ilang mga netizens at ipinunto ang ilang dahilan kung bakit mas tinatangkilik ng mga Pilipino ang mga telenobelas mula sa ibang bansa. Ayon sa ilan, pangit ang plot at paulit-ulit na lamang ang nangyayari sa ending ng mga local teleseries kaya nakakasawa na itong panoodin.

Pinuri din ng iba ang pahayag ni Chito Miranda habang binabatikos ang ibinigay na solusyon ni Sen. Jinggoy Estrada. Nagpapakita lamang umano ng kabitteran itong si Sen. Jinggoy at tila tatanggalan pa ng kalayaan ang mga Pilipino na mamili sa mga nais panoorin na shows.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo