Detalye Sa Unang Araw Ng Arraignment Ni Vhong Navarro Vs Deniece Cornejo!

Miyerkules, Oktubre 12, 2022

/ by Lovely


 October 11, 202, martes ng ala una y media ng hapon ginanap ng Taguig Regional Trial Court ang unang arraignment procedure sa pagitan nina Vhong Navarro at Deniece Cornejo. Marami naman ang nag-aabang sa nasabing proceedings dahil ito sana ang magiging unang pagtatagpo nina Deniece at Vhong matapos ang mahigit walong taon.

Ngunit ang inaasahang pagkikita ng lahat ay naudlot matapos hilingin ng kampo ni Vhong Navarro na via online lamang sila dadalo dahil sa umano'y banta sa kaligtasan ng aktor.

Samantala, ayon sa mga update mula sa ilang reliable source, naging mahinahon si Vhong Navarro ng ilatag sa kanya ang reklamong rape ni Deniece Cornejo. Hindi naghain ng plea ang aktor na nangangahulugang hindi nito inaako ang mga paratang ni Deniece laban sa kanya. Ang korte na mismo ang nag-enter ng not guilty plea kay Vhong Navarro na ikinatuwa naman ng kanyang mga tagasuporta.

Bagama't hindi ito nangangahulugan na makakalaya na ang aktor, natutuwa pa rin ang mga tagasuporta nito dahil nabigyan si Vhong ng pagkakataong maidipensa ang sarili sa muling paglilitis ng korte.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo