Dra. Belo Dismayado, Hindi Pinapasok Sa Chanel Fashion Show!

Miyerkules, Oktubre 5, 2022

/ by Lovely


Malungkot na ibinahagi ni Dra. Vicky Belo na hindi siya nakapasok sa inaabangan niyang Chanel Fashion Show.

Matatandaang nitong nakaraang araw lamang ay ibinahagi ni Dra. Vicky na excited siya  na makapanood sa unang pagkakataon ng Chanel Fashion Show sa Paris Fashion Week.

"It’s the first time I’m attending the #chanel show. I’ve heard that it’s always such a beautiful show ." post ni Dra. Belo sa kanyang Instagram account.

Labis ang pagkadismaya ni Dra. Vicky Belo nang hindi na siya pinapasok dahil nalate umano siya ng limang minuto. Ayon kay Dra. Belo, nagoverslept umano siya kaya siya nalate. Dagdag pa niya, napakahigpit ng Chanel sa kanilang oras at talagang mahigpit sa mga late.

Makikita sa mukha ng Doktora na talagang nanghihinayang siya na hindi siya nakapanood ng nasabing Fashion Show. Matatandaang masayang ibinahagi pa kamakailan ni Dra. Vicky Belo ang natanggap nilang invitation mula sa Chanel.


( Hide )

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo