Herlene Budol Nagreklam0 Sa Raffy Tulfo in Action!

Martes, Oktubre 4, 2022

/ by Lovely


Nagreklamo ang beauty queen actress na si Herlene Nicole Budol sa programa ni Sen. Raffy Tulfo na Raffy Tulfo in Action.

Inirereklamo ngayon ni Herlene Nicole Budol o mas kilala bilang Hipon Girl ang kanyang dating Manager sa Raffy Tulfo in Action. Hindi napigilan ni Herlene na maiyak at maging emosyunal sa pag-aalala sa kanyang mga pinagdaanan sa kamay ng dati niyang manager.

Ayon kay Herlene, halos wala siyang nakuhang porsyento sa mga kinita niya mula sa kanyang mga endorsement. Pinapalabas pa umano ng kanyang dating Manager na siya pa ang may utang roon. Naipagkumpara din ni Herlene sa ilalim ng kanyang kasalukuyang manager ngayon na si Wilbert Tolentino ay nakasalin ang kanilang kontrata sa wikang Filipino upang mas maintindihan niya ang kanilang kontrata. Kabaliktaran umano sa dati niyang manager, kung saan wala umano siyang nakitang kontrata.

Malaki naman ang pasasalamat ni Herlene sa mga taong tumulong sa kanya.

"Marami maraming Salamat po Senator Idol Raffy Tulfo sa pag tulong at pag action sa aking pinag dadaanan for almost 2 years at nag suffer po ako sa panahon ng pandemia na indi ko man lang ma pa enjoy ang Nanay Bireng ko. hanggang sa pag panaw nya. walang paramdam ang dati kong Manager na pinost ko last Sept. 23, 2022 dto sa Fanpage ko.
Binigyan kta ng mahabang panahon para ayusin etong aberiang iniwan mo sa akin at wala kang proper endorsement mga documents at never ako naka kita ng kontrata. kung indi pa ako nag pursige at nag move forward at lumapit kay Ate Madam inutz at kay Sir Wilbert Tolentino hanggang ngayon isa po akong walang ka muwang muwang na tao.
Salamat Mima Wilbert Tolentino sa pag gabay at inalalayan mo ang aking karera sa industria ginagalawan ko. sa pag turo ng tama at sa mali. words cannot express how grateful i am.
isa eto sa mga experience ko na nag sisilbing aral at itama ang dapat itama. Salamat din mga KaSquamny, KaHiponatics at KaBudol ko dyan sa pag supporta at pag mamahal na ibinibigay nyo rin sa akin."


Agad namang nagpaabot ng kanyang pagsuporta si Madam Inutz para kay Herlene.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo