Heart Evangelista Binigyang Linaw Ang Isyu Na Sa Paris Na Siya Maninirahan, for Good!

Lunes, Oktubre 10, 2022

/ by Lovely


Mainit pa ring pinag-uusapan ngayon sa mga social media sites ang isyu ng umano'y hiwalayan nina Heart Evangelista at Chiz Escudero.

Lalong lumakas ang hinala ng mga netizens na naghiwalay na ang mag-asawang Heart at Chiz matapos mapansin ng ilang mga netizens na tinanggal ni Heart ang apilyedo ni Chiz sa kanyang Instagram profile. Nakadagdag pa rito ang ilang mga ibinahaging cryptic posts ng aktres ng diumano'y pinagdadaanan niya sa kasalukuyan.

Hindi rin nakatulong ang pagpunta niya sa ibang bansa upang dumalo sa iba't-ibang mga fashion events. Kasalukuyang nasa Paris si Heart at may mga lumalabas na haka-haka na may kinakasama itong Italian boyfriend.

Kaya naman, tila hindi na napigilan ni Heart at sinagot ang ilang mga isyu na ibinabato sa kanya ng mga netizens. Una na rito ang umano'y pamamalagi nito sa Paris. Sa kanyang Instagram kamakailan, ibinunyag ni Heart ang totoong dahilan ng kanyang pagpupunta sa Paris.

Ayon kay Heart, pumupunta siya roon dahil sa trabaho. Nagtatrabaho siya at hindi iyon madali. Gayunpaman, masaya siya sa kanyang ginagawa dahil ito ang kanyang passion. Bagama't inamin niya na bumili siya ng apartment doon ay hindi umano nangangahulugan na mananatili na siya sa Paris for good.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo