Tuloy na tuloy na si Herlene Nicole Budol sa pagrampa sa Miss Planet International na gaganapin sa Uganda sa darating na November 19, 2022.
Patuloy pa rin ang paghahanda ni Herlene para sa kanyang kauna-unahang international pageant. Matatandaang itinanghal bilang Bb. Pilipinas First Runner up si Herlene Budol ilang buwan na ang nakakalipas.
Samantala sa naganap na send-off presscon para sa paglaban ni Herlene para sa Miss Planet International. Binigyang diin ni Herlene ang kanyang advocacy para sa tamang pangangalaga at sa pagsagip sa ating Planeta.
Ayon kay Herlene, "Alam naman natin lahat grabe na ‘yung polusyon na nangyayari sa buong planeta. Para sa akin, bakit hindi natin subukang alagaan, i-save natin ‘yung planeta so ako ‘yung taong hindi conservative pero pilit matututong maging conservative. Sa akin, aaralin ko ‘yung mga bagay na hindi ko pa nalalaman so ako ang magiging sugo ng Planet International para sabihin sa bawat Pilipino, sa buong mundo na alagaan natin ang mga meron tayo dito. Kasi hindi sa lahat ng bagay, magiging mabait sa atin ang planeta so alagaan natin, iligtas natin, at isave natin ang planeta."
Labis naman ang pasasalamat ni Herlene sa mga taong sumuporta at gumabay sa kanya sa kanyang journey bilang beauty queen. Pinasalamatan din ni Herlene ang Bb. Pilipinas Charity dahil sa pagsuporta sa kanya at naging daan upang maisakatuparan niya ang pangarap na makasali sa international pageant.
Hindi man umano siya mangangakong maiuwi ang korona ngunit gagawin niya ang lahat ng kanyang makakaya para i-represent ang bansa. Sinabi rin ni Herlene na wikang Tagalog ang gagamitin niya sa pagsagot sa Question and Answer portion.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!