Isang buwan na lamang ang hihintayin at rarampa na si Herlene Nicole Budol sa Uganda para sa kanyang unang international pageant na Miss Planet.
Siguradong-sigurado na rin na wikang Tagalog ang gagamitin ni Herlene sa kanyang kauna-unahang international pageant. Handang-handa na rin umano si Herlene para sa Q & A ng Miss Planet 2022 pageant. Isa sa mga paghahandang ginagawa ng kanyang manager ay ang paghahanap ng international translator para kay Herlene.
Sa kanyang Facebook account, nagpost si Wilbert Tolentino na naghahanap sila ng translator from English to Filipino and vice versa para kay Herlene na handang sumama sa Uganda.
"We are looking for a professional TRANSLATOR from Filipino to English and vice versa who is willing to fly to Kampala, Uganda for the upcoming Miss Planet International this coming November. An interpreter that can speak in front of a large audience and in front of the camera.
Sa unang pagkakataon, si Herlene Budol ang kauna-unahang kandidata mula sa Pilipinas na magkakaroon ng translator at gagamit ng wikang Filipino sa international pageant. Matatandaang ang ilang mga kandidata sa Pilipinas ay tanging questions lamang ang pinapatranslate ngunit wikang Ingles pa rin ang ginagamit sa pagsagot.
Hindi lamang sa pagsagot ni Herlene sa Q & A kailangan ni Herlene ng translator, kundi maging sa mga prelimanary activities at pakikipag-communicate sa mga kapwa kandidata.
Marami namang mga netizens ang excited na sa pagrepresinta ni Herlene sa Pilipinas para sa Miss Planet International. Lalong-lalo na ang paggamit ni Herlene sa wikang Pilipino sa pagrepresenta ng ating bansa.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!