Herlene Budol Natangayan Ng Milyones Ng Dating Manager, Raffy Tulfo Awang Awa!

Miyerkules, Oktubre 5, 2022

/ by Lovely


Emosyunal na inilahad ni Herlene sa programa ni Sen. Raffy Tulfo na Raffy Tulfo in Action ang mga pinagdaanan niya sa kamay ng dati niyang handler na si Elizabeth Ellise Estrada.

Sa loob ng dalawang taong hawak siya nito, mahigit milyon ang inabot ng kita ni Herlene mula sa kanyang mga ginawang endorsements at guesting. Subalit, paglalahad ni Herlene, ni hindi siya nakahawak kahit singko sa kanyang mga pinahirapan.

Naging mauwain naman umano siya sa paghihintay na maibigay ng dating manager ang pera ngunit ang labis niyang ikinagulat ay listahan ng kanyang mga utang ang inabot sa kanya ni Elizabeth. Lumalabas na si Herlene pa ang may malaking utang sa kanyang manager.



Labis na namangha ang Senador sa mga ebidensyang inilahad ni Herlene. Umiiyak na pahayag ni Herlene sa dami ng kanyang mga projects at trabaho noon, wala pa rin siyang pera. Ni hindi niya umano napa-enjoy ang kanyang Nanay Bering hangga't pumanaw na lamang ito.

Ayon kay Herlene, walang ipinakitang kontrata sa kanya ang kanyang dating manager na si Elizabeth o kung anumang kasulatan hinggil sa kanyang mga projects.

Samantala, nangangako naman si Sen. Raffy Tulfo na tutulong siya kay Herlene sa pagkuha sa dapat na sa kanya at makasuhan ang dating manager ni Herlene na tila nagtatago na. Payo naman ni Sen. Raffy Tulfo kay Herlene na maging wais at unawaing mabuti ang mga kontrata bago pipirmahan at kung may hindi naunawaan ay bukas ang kanilang tanggapan upang mahingan ng tulong.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo