Hermes South Korea Naglabas Na Ng Statement Hingil Sa Pagtataboy Ng Kanilang Staff Kay Sharon Cuneta!

Martes, Oktubre 4, 2022

/ by Lovely


Tila nakarating na sa pamunuan ng Hermes ang pagtanggi at tila pagtataboy kay Mega Star Sharon Cuneta ng kanilang staff matapos nitong mag-viral sa social media.

Nagshopping si Sharon Cuneta at sinubukang pumasok sa Hermes store para bumili sana ng belt ngunit pinigilan siya ng doorman ng luxury store. Bagama't hindi sinabi tila naantig ang pride ng Mega Star kaya napabili ng maraming items sa kabilang luxury store. Matapos magbayad ay muling dumaan si Sharon sa Hermes store at tila ipinagmayabang ang kanyang mga nabili.

Agad namang umani ng samu't-saring komento ang nasabing vlog ni Sharon kaya naman naglabas na ng paliwanag ang Hermes at nagbigay ng dahilan kung bakit hindi nakapasok si Sharon sa kanilang store.

"Miss Sharon Cuneta,

We sincerely apologize for the inconvenience caused to Sharon Cuneta. During her visit, due to the Covid-19 protocol, only 10 people can enter the store, and there is also a rule that you must register first before coming to the store. We will always treat you with kindness. Thank you for understanding."



Matatandaang nanawagan si Mega Star Sharon Cuneta na huwag magbigay ng masamang komento laban sa Hermes dahil naiintindihan niyang may mga shops na may sariling Covid-19 protocol at naiintidihan umano niya ito.

Samantala, may ilang mga netizens ang pinuna ang ginawa pagdaan muli ni Sharon sa Hermes store at tila ipinagyabang pa ang kanyang mga binili sa Louis Vuitton. Ayon sa ilan, kung talagang naiintindihan ni Sharon ang doorman sa pagtanggi sa kanya, bakit tila inasar pa niya ito sa pamamagitan ng pagpapakita ng kanyang mga nabili.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo