Hindi na kailangang isailalim ang buong bansa sa state of calamity dahil sa epekto ng pananalasa ng bagyong Paeng. Ito ay mula kay President Ferdinand Marcos Jr.
Ayon kay PBBM, hindi na kailangan magdeklara ng state of calamity dahil hindi naman umano extensive ang damage na iniwan ng bagyo.
“I don’t think it’s necessary. I came to that conclusion in consultation with DENR (Department of Environment and Natural Resources). Sabi, hindi naman kasi extensive. Very highly localized ang damage,” sabi ng Pangulo sa isang pagpupulong sa Cavite, kung saan lubog ngayon sa baha dahil sa bagyo.
Ang desisyon ni President Bongbong Marcos ay taliwas sa mungkahi ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) na kailangang isailalim ang buong bansa sa state of calamity sa loob ng isang taon.
Kapag ang buong bansa ay isasailalim sa state of calamity maaring gamitin ng Local Government Unit ang kanilang calamity fund upang makapagbigay ayuda sa mga apektado.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!