Hiwalay Na Agad?! Detalye Ng Balitang Hiwalayang Zeinab Harake at Mr. Black!

Biyernes, Oktubre 14, 2022

/ by Lovely


Mainit na usapin ngayon sa social media ang napapabalitang hiwalayan nina Zeinab Harake at Julian Cuevas aka Mr. Black.

Matatandaang laging kasama si Mr. Black sa mga post ni Zeinab Harake at napaka-sweet nila sa isa't-isa. Maging sa mga vlog ni Zeinab sa kanyang YT channel ay kasama nito si Mr. Black. Paglalarawan pa noon ni Zeinab sa kanilang relasyon ay proud but low key.

Kaya naman nagulat ang ilang mga netizens dahil sa mga lumalabas na bali-balitang hiwalay na ang dalawa. Nag-ugat ang balitang ito nang mapansin ng ilang mga followers niya na in-unfollow na ni Zeinab Harake si Mr. Black. Binura na rin ni Zeinab ang kanyang mga vlog kung saan kasama niya ito.

Samantala sa isang social media post ni Zeinab kamakailan sinabi niyang may mga tao talagang dumadating sa buhay mo na sa huli ay malalaman mong ginagago ka lamang pala. Sa kabila umano ng magandang ipinapakita mo ay nakukuha ka pang pagtripan at saktan dahil alam nilang mahina ka.




Tila may pinapatamaan si Zeinab sa kanyang post na inisip naman agad ng ibang mga netizens na ito ay walang iba kundi si Mr. Black.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo