Isang Babaeng Ka-Love Team Ni Patrick Quiroz Na Kasama Sa Pambubunyag Ni Rhys Miguel, Si Vivoree Ecslito?

Miyerkules, Oktubre 12, 2022

/ by Lovely


Matapos ang ginawang rebelasyon ni Rhys Miguel laban sa aktor na si Patrick Quiroz. Maging ang kalove team nito sa He's Into Her na si Vivoree Ecslito ay nadadamay na rin sa isyu.

Mabilis na nagviral ang ginawang pag-amin ni Rhys Miguel sa kahalayang ginawa sa kanya ni Patrick Quiroz. Marami ang nagulat at tila hindi makapaniwala sa mga ipinahayag ni Rhys. Samantala, ayon sa naging pagbubulgar ni Rhys, nasabi niyang maging ang kalove-team nitong babae ay ginawan rin umano ni Patrick ng hindi maganda.

Wala mang binanggit na pangalan si Rhys kung sino ang babaeng kanyang tinutukoy. Agad nag-isip ang mga netizens na si Vivoree ito dahil ito ang naging ka loveteam ni Patrick sa He's Into Her. Maliban din umano kay Vivoree ay wala nang iba pang naging ka-love team si Patrick.

Agad namang nagtrending ang pangalan ni Vivoree, tanong ng mga netizens may katotohanan kaya ang mga paratang na ito Rhys Miguel kay Patrick Quiroz? Marami na rin kasi ang mga taong nadadamay sa isyung ito.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo