Ito Pala Ang Nais Ni Stella Araneta Na Gawin Sana Ni Nawat Itsaragrisil Sa Coronation Ng MGI!

Miyerkules, Oktubre 12, 2022

/ by Lovely


Sa kabila ng pagdududa ng ilang mga pageant fans sa Pilipinas hinggil sa Miss Grand International ni Mr. Nawat umaasa pa rin si Stella Araneta na maging patas ito ngayon sa pagpili ng mananalong kandidata.

Matatatandaang, naging controversial ang MGI sa Pilipinas matapos ang ilang beses na umano'y pagkakaroon ng dayaan sa pagpili ng kokoronahang beauty queen. Ayon sa ilan, napaka deserving manalo ng mga kandidata mula sa bansa ngunit tila sinasadya ni Mr. Nawat  na hindi ito papanaluhin kahit placer man lang.

Samantala, nananatiling hawak ni Stella Araneta ang franchise ng Miss Grand International sa Pilipinas. Ayon kay Stella, hindi pa rin siya nawawalan ng pag-asa na magiging patas sa panahong ito ang pagpili sa kokoronahang Miss Grand International. Umaasa siya magiging patas ang tingin ni Nawat sa ipinadalang kandidata ngayon ng Pilipinas na si Roberta Tamundong.

Hiling naman ng Bb. Pilipinas Organization na nawa'y suportahan ng lahat ang ipinadalang kandidata ngayon ng bansa para sa MGI na si Miss Roberta Tamundong sa gaganaping coronation sa darating na October 25, 2022.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo