Jake Zyrus Himalang Nabuhay Matapos Isilid Sa Body Bag Sa Amerika!

Martes, Oktubre 4, 2022

/ by Lovely


Bigla na lamang nawalan ng malay ang singer na si Charice Pempengco na kilala ngayon bilang Jake Zyrus. Isinilid na sa body bag ang katawan nito sa pag-aakalang wala na itong buhay ngunit himalang narevive sa hospital.

Isa sa mga napag-usapan sa latest episode ng Showbiz Now Na ang nangayri kay Jake Zyrus habang nasa Amerika. Ayon kay Cristy, isang source umano ang nagbalita sa kanya na nawalan umano ng malay si Jake Zyrus sa Chicago USA dahil sa sobrang kalasingan.

Si Jake Zyrus ay nakabase ngayon sa Amerika at kumakanta-kanta sa ilang maliliit na bar. May mga kababayan din umano roon na nakakakita kay Jake na lasing. Minsan ay nagwawala pa umano ito sa loob ng bar.

Ayon sa source, may isang pagkakataon umanong sa sobrang kalasingan ni Jake ay nawalan ito ng malay. Agad namang tumawag sa 911 ang ilan concerned citizens. Agad namang dumating ang mgs rescuers ngunit inakala ng mga ito na wala ng buhay si Jake.

Isinilid na umano ang katawan nito sa body bag at dinala sa hospital. Kadalasang inilalagay sa body bag ang katawan ng mga taong patay na. Buti na lamang nang dumating sa hospital ay muling narevive at nabuhay si Charice.



Ayon pa sa kwentuhan ng tatlong hosts na sina Cristy Ferming, Morly Alinio at Romel Chika, marahil ay wake up call ito kay Charice dahil tila pinapapabayaan na nito ang kanyang sarili at ang ibinigay na talento sa kanya ng panginoon.

Matatandaang tinalikuran din ni Charice/Jake ang kanyang lola na nag-alaga sa kanya. Pumanaw ito ng hindi man lamang nakatanggap ng tulong mula sa singer.

Ibinunyag pa ni Cristy na nagpalagay na umano ng ari ng lalaki si Charice sa Amerika. Labis naman itong ikinagulat ng kanyang mga kasamahan at maging ng kanilang viewers.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo