Jake Zyrus Umani Ng Positibong Reaksyon Mula Sa Netizens Matapos Kantahin Ang "At My Worst"

Lunes, Oktubre 10, 2022

/ by Lovely

 

Umaani ngayon ng mga papuri ang singer na si Jake Zyrus matapos nitong ibahagi sa kanyang social media account ang video ng kanyang pag-awit sa sariling rendention sa kantang At My Worst ng Pink Sweats.

Ayon sa caption ni Jake sa nasabinng video, "personal request from someone, this is for you. ❤️

enjoy my mini cover of @pinksweats ‘ At My Worst."


Kaagad naman itong umani ng samu't-saring reaksyon at komento mula sa mga netizens. Karamihan sa mga ito ay mga papuri para sa galing ni Jake Zyrus. Sa kabila ng mga pinaggagawa ni Jake na hindi sinang-ayunan ng karamihan, hindi pa rin maikakaila na napakaganda ng vocals nito.

Hindi man gusto ng iba ang pagbabago ni Jake ay patuloy pa rin nilang hinahangaan ito dahil sa angking galing sa pag-awit.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo