Joyce Pring, Atheist Will Suffer in Eternity, "They Gonna Face Judgement" and "They Will Go To Hell"!

Biyernes, Oktubre 14, 2022

/ by Lovely


Mainit na usapin ngayon sa social media ang naging pahayag ng aktres na si Joyce Pring sa podcast ni Wil Dasovich tungkol sa magiging kahihinatnan ng mga taong hindi naniniwala na may Panginoon.

Sa podcast ni Wil Dasovich napag-usapan nila ni Joyce ang tungkol sa mangyayari kapag namatay ang isang tao. Naitanong ni Wil kay Joyce kung ano ang mangyayari sa taong non-believer of Christ kapag namatay sila?

Agad namang sagot ni Joyce, na kapag mamatay ang mga non-believers ay haharap sila sa judgement and they will go to hell. Tila nagulat at napareact naman si Wil at sinabing napakabrutal naman ng sasapitin ng mga taong ito. Depensa naman ni Joyce na sinagot lamang niya honestly ang tanong ni Wil.

Hirit pang tanong ni Wil kung ano ang gagawin ng mga taong ito sa impyerno? Sagot naman agad ni Joyce na magdurusa ang mga ito roon for eternity.

Samantala, umaani ito ng samu't-saring komento mula sa mga netizens. May mga nagsasabing ang sagot ni Joyce Pring ay mababasa naman talaga sa bible. May isang pang nagsasabi na hindi na papangarapin ng non-believers ang mapunta sa langit dahil hindi naman sila naniniwala na may langit.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo